CHECK THIS OUT:

Search

15 anyos na ina, pinatay ang anak sa pamamagitan ng pag-chop-chop

Madugo at karumaldumal ang naging pagpatay sa isang sanggol sa Davao City sa kamay mismo ng kaniyang ina na 15 taong gulang lamang.


Napag-alaman ang krimen matapos makita ng mga residente sa Purok 3, Barangay Gumalang Baguio District, Davao City noong Biyernes ng gabi (Hunyo 18) ang isang aso na may tangay na paa ng isang bata.


Noong una ay inakala ng mga saksi na manok ang bitbit ng pagala-galang aso ngunit nang siyasatin ito laking gulat nila nang malaman na paa pala ito ng isang sanggol.


Dahil sa nakagigimbalang insidente, napagpasyahan ng pulisya na magsagawa ng imbestigasyon hanggang sa  matuklasan nila ang krimen ng menor de edad na ina na itinago sa pangalang "Julie".


Ayon sa ulat ng Bombo Radyo Davao, sa pagsunod sa mga bakas ng dugo ay napadpad ang mga pulis sa isang bahay kung saan nakatira si Julie.


Sa patuloy na pag-iimbestiga, nakita rin ang iba pang bakas ng dugo sa loob ng tahanan ngunit wala pang naiulat na impormasyon kung nasaan ang iba pang bahagi ng katawan ng bata.


Sa kasalukuyan, nananatili sa kustodiya ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) si Julie. Hinala ng owtoridad, post partum depression ang ugat ng krimen kung kaya nakatakdang ito ngayong ipatingin sa doktor.


Source: Bombo Radyo Davao


No comments:

Post a Comment