Kinokonsidera ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang gawing bigas sa halip na pera ang ibibigay na tulong sa mga benepisaryo ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ay inihayag ni Department of Agriculture Undersecretary Roger Navarro sa isang Palace press briefing nitong Martes. Ayon sa opisyal, maaaring makatulong na maibaba ang inflation rate ng bigas kung bigas nalang ang bibigay na tulong sa mga benepisaryo ng 4Ps.
“Actually, it was suggested in the meeting that we have the 4Ps, for example, for DSWD. We told the President that if we can convert the 4Ps instead of money, it should be on rice form, supplied by NFA. So we will take them out in the price pressures of the market in terms of buying high-price rice. These are 20% all over the country which are the vulnerable poor under the DSWD that is beneficiary for 4Ps,'' paliwanag ni Navarro.
''And we’re giving them money, and unfortunately because that is not rice, they’re going to buy rice in the market price; and that put pressure and inflationary in the market because they’re going to compete with the people who have money and then with only 4Ps,'' dagdag niya.
Sinabi din ni Navarro na pag-aaralan ng Pangulo ang panukala at titignan kung paano it maipatutupad.