CHECK THIS OUT:

Search

Isang itlog na posibleng mabenta sa halagang P 51K

 


Kakaiba itong itlog na natagpuan sa isang Victorian Supermarket sa Melbourne, Australia dahil bilog na bilog ang hugis nito.


Sinasabing ang chance bago makatagpo ng bilog na itlog ay nasa “billion to one.”


Natagpuan sa Woolworths supermarket sa Melbourne ang isang follower ni Jacqui ang nagpadala sa kanya ng footage ng bilog na itlog.


Sa Instagram post ni Jacqui, sinabi niyang, “This is so random, but I thought I would share this eggcellent find."


Ang mensahe aniya ng kanyang follower, "In our egg carton we found a round egg.


"After a quick Google, I realized it was one in a billion.


“Literally one in a billion eggs are round and the last one that was found sold for over AUD$1400!"


Sa ating pera, ang katumbas nito ay PHP51,159.20.


Madami ang mga kolektor ng bilog na itlog sa ibang bansa, at talagang nagbabayad ng malaki para lang mapasakamay nila.


At kung nagtataka ang ibang tao kung ano ang gagawin sa bilog na itlog, posibleng i-preserve ang shell kapag nasipsip ang laman sa loob.


Ang ganitong proseso ay karaniwang ginagawa ng mga museums para mai-preserve ang mga itlog ng wild bird.


Isa sa pinakamahal na itlog ay mula sa Elephant Bird—na extinct na ngayon.


Noong 2013, ang isang intact pa na itlog ng Elephant Bird ay nabenta sa auction ng Christie’s sa halagang £66,675 o PHP4,659,833.07.


Tinatayang nasa 800 years old na ang itlog at 200 times na mas malaki kaysa itlog ng manok.


Mai-imagine ninyo kung gaano kalaking omelette ang maluluto mula rito.


Ang mga itlog naman ng dinosaur kung maganda ang kondisyon ay karaniwang nabebenta ng £1,600 o PHP111,822.02.