CHECK THIS OUT:

Search

PBBM, umaasa parin na matupad ang pangarap na maibaba sa P20/kilo ang bigas

Patuloy parin ang pag asa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na matutupad ang pangarap niyang maibaba sa P20 per kilo ang presyo ng bigas sa Pilipinas.


Sinabi ito ni Pangulong Marcos nang pangunahan niya ang paglulunsad ng Kadiwa Ng Pangulo sa Pili, Camarines Sur.


Layunin ng proyekto ng gobyerno na mabigyan ng direktang mapagbebentahan ng kani-kanilang produkto ang mga magsasaka, mangingisda at maging ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).


"Makikita ninyo 'yung bigas, ang aking pangarap na sinabi na bago ako umupo na sana maipababa natin ang presyo ng bigas ng P20, hindi pa tayo umaabot doon... dahan-dahan palapit, nasa P25 na tayo, kaunti na lang maibababa natin 'yan," sabi ni Marcos sa kaniyang talumpati.


Makabibili umano ng bigas na P25 per kilo sa Kadiwa stalls. Ayon sa pangulo, mayroon nang mahigit 500 Kadiwa stalls sa buoang bansa.


Sa price monitoring ng Department of Agriculture, ang presyo ng well-milled rice sa merkado sa Metro Manila ay nagkakahalaga ng P40 hanggang P46 per kilo.


Nasa 20 exhibitor o Kadiwa partners ang inaasahang magbebenta ng kanilang mga produkto sa dalawang-araw na trade fair sa Barangay Palestina sa bayan ng Pili.

No comments:

Post a Comment