CHECK THIS OUT:

Search

Lolo na pedicab driver, binawian ng buhay sa mismong bisikleta dahil sa pagod


Marami sa mga netizens ang nalungkot at nahabag nang makita ang larawan ng isang matandang pedicab driver na pumanaw sa mismong bisikleta na kaniyang minamaneho. 


Sa post ng isang Facebook page na may pangalang Papa Rome, makikita sa mga larawan ang isang matanda na nakayuko sa manubela ng kaniyang pedicab.


"RIP tay 😭 Kahit sobrang hirap na, kumakayod parin para sa kanyang pamilya 😭 Condolence sa family ni tatay," sabi sa caption ng post.


Bagama't hindi malinaw ang pagkakakilanlan ng matanda, at ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, marami sa mga netizens ang may haka-hakang pumanaw ang matanda sa labis na kapaguran kumita lamang ng pera.


May mga Facebook user din na nagpaabot ng simpatya at pakikiramay sa sino mang pamilya na naiwan ng pedicab driver.


Wala man malinaw na ulat ukol sa nangyari sa matanda, para sa mga netizens, isang paalala ang pedicab driver na dapat ingatan at alagaan ng mga anak ang kanilang mga magulang lalo na sa oras na sila ay nangangailangan ng lingap at atensyon.


"May mga anak kasing pabaya sa magulang sana naisip nyo ng mga bata pa kau inalagaan kau pinakaen kau ng magulang nyo sana sinuklian manlng nung tumanda na hindi yung nagka pamilya na kau wala na kayong pakilam sa magulang nyo kung hindi dahil sakanila wala kau sa mundo nato," komento ng isang netizen.


2 comments: