CHECK THIS OUT:

Search

Anak, pinagmamartilyo ang ulo ng mga magulang; ina, patay

 


Isang 16-anyos na binata ang dinampot ng mga pulis sa Anini-y, Antique matapos umano nitong pukpukin ng martilyo sa ulo ang kaniyang ina at ama noong Sabado ng gabi (Disyembre 4).


Ayon sa ulat, patulog na ang mag-asawang Mildred at Rolly Datuin sa kanilang bahay sa Barangay Magdalena nang atakihin sila ng kanilang anak at martilyuhin sa ulo.


Bagama't sugatan, nakuhang makatakas ni Rolly at makahingi ng tulong sa kanilang mga kamag-anak. Gayunpaman, nang rumesponde ang biyenan nito ay nakatakas na ang binatilyo.


Naidala pa sa ospital ang mag-asawa ngunit kalaunan ay namatay din ang inang si Mildred.


Ayon sa lolo ng suspek na si Francisco Seduco, marahil ay nagawa ng binata ang krimen dahil sa depresyon at hindi pagpayag ng kaniyang mga magulang na umalis ng bahay upang mapagtuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral.


Kinabukasan ay nahuli rin ng pulis ang suspek matapos siyang makita ng isa sa kanilang mga kaanak sa kabilang baranggay.

No comments:

Post a Comment