CHECK THIS OUT:

Search

Bagong kasal, sa ordinaryong fast food chain isinagawa ang weddding reception

Viral ngayon sa social media ang isang mag-asawa mula sa Cebu City dahil 'di gaya ng marami, ang kanilang wedding reception ay isinagawa lamang sa isang fast food chain na kilala sa "unli rice" at "unli sabaw."


Ayon sa bagong kasal na sina Rian Eran Baynosa at Rhaquesa Vicente Mosende, ayaw na nilang gumastos o mangutang pa para lamang sa bonggang wedding reception dahil ang importante lamang sa kanila ay maikasal silang dalawa.


Kaya naman, pagkatapos ng kasal nila sa Sto. Anak ng Cebu Mactan Parish, dumeretso sila sa isang fast food chain na Mang Inasal kasama ang kanilang 15 bisita.


Bukod sa inasal na manok, halo-halo, at drinks, wantusawang kanin at sabaw din ang na-enjoy nila at ng kanilang mga bisita sa halagang P3,044 lang.


Bagama't simple at ordinaryo ang kanilang naging wedding reception, napuno naman ng masayang alaala ang mag-asawa dahil natupad din ang pangarap nilang maikasal.


Dahil sa kanilang paandar, maraming mga netizen ang natuwa at humanga dahil sa pagiging praktikal ng dalawa lalo na ngayong kasagsagan ng pandemya.

1 comment:

  1. Ayos nga Yan eh...kelangan praktikal talaga sa panahon ngayon ..dna kelangan magpa bongga

    ReplyDelete