Hustisya ang hiling ngayon ng isang ina mula sa Bacolor, Pampanga matapos umanong barilin ng pulis ang kaniyang anak noong Nobyembre 20 dahil sa wala itong suot na facemask.
Ayon sa inang si Lou Vasquez, nakikipagkwentuhan lamang ang 20-anyos na anak na si Abelardo sa kaniyang mga pinsan nang sitahin ito ng pulis na si Police Cpl. Alvin Pastorin, isang intelligence officer sa Pampanga police.
Paglapit umano ni Pastorin kay Abelardo, binaril na niya ito dahilan upang magtamo ng tama ng bala sa dibdib at leeg ang binata.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nakasagutan ni Pastorin sina Abelardo at ang kanyang mga kasama dahil sa pinauuwi sila ng pulis.
Humingi umano ng back-up ang biktima sa mga nag-iinuman niyang kamag-anak at saka raw sinugod at kinuyog ang suspek. Dito na rin nagpaputok ng baril si Pastorin upang depensahan umano ang sarili.
Giit naman ng ina, hindi mahilig sa away ang kaniyang anak at imposibleng kinuyog ang pulis dahil wala naman itong natamong mga pasa.
Kasalukuyan ngayong nakakulong sa Bacolor Municipal Police Station si Pastorin na nahaharap ngayon sa kasong homicide, ayon sa Philippine National Police.
No comments:
Post a Comment