CHECK THIS OUT:

Search

VIRAL: Lalaki, mga hilaw na karne ang trip i-mukbang!

Usap-usapang ngayon sa Tiktok ang isang lalaki dahil sa pagkain niya ng mga hilaw na karne, isda, at iba pang mga pagkain sa kaniyang mga inia-upload na mukbang video.


Sa katunayan, ang isa niyang video na kung saan makikita siyang kumakain ng hilaw na baboy at umiinom ng dugo nito ay umabot na sa mahigit 90,000 views.


Sa programang "Brigada" naibahagi na ang mukbanger na si Ramsey Yoldi ay mahilig daw talaga sa karne pero ang madalas niyang kinakain ay iyong mga hilaw.


Bukod sa karne ng baboy, kumakain din siya ng hilaw na isda at suso. Bago niya raw kainin ang mga ito ay isinasawsaw niya muna sa suka upang masigurong malinis ang kaniyang kinakain.


Bagama't marami ang bumabatikos at nandidiri sa kaniyang kakaibang trip sa pagkain, tuloy pa rin sa paglantak ng mga hilaw na pagkain si Yoldi dahil mas masarap pa rin daw ito kaysa sa mga lutong pagkain.


"Mas masarap pa rin sa akin ma'am ang hilaw na pagkain. Mas malakas, sa totoo lang, 'yung katawan ko kapag kumain ako ng mga kinilaw, mga hilaw," sabi ni Yoldi.


"Nakasanayan ko na kasi, kahit noong nasa probinsya ako, mga 10 years na siguro akong ginagawa na nagkikilaw, pero wala naman sa akin na sakit," kwento pa niya.


Gayunpaman, ayon sa eksperto ang pagkain ng mga hilaw na pagkain ay hindi mabuti para sa kalusugan dahil sa mga laman nitong virus, bacteria, o parasite na hindi namamatay sa simpleng pagsasawsaw sa suka.


Source: GMA News


2 comments:

  1. dadating ang pagsisihan nya ginawa nya .pagdumating ang araw na yon hwag kng iiyak .

    ReplyDelete
  2. Hahahaha! Kawawa ka boy kung darating ang araw na marami na palang Hila-Hila(parasites) ang naninirahan sa tiyan mo yaks!

    ReplyDelete