CHECK THIS OUT:

Search

Babae, nanigas ang katawan dahil sa sobrang stress

Isang dalaga ang bigla na lamang nanigas matapos umanong makaranas ng matinding stress dala ng problema sa buhay.


Ayon kay Danica, hindi niya tunay na pangalan, hindi na raw bago ang paninigas ng kaniyang katawan dahil palagi niya na itong nararanasan noon pa man.


Sa katunayan, ngayong taon lamang ay pitong beses na raw siyang inatake ng paninigas at pamamanhid ng kaniyang katawan. Ngunit nang sumpungin siya nitong Mayo ay hindi na niya nakayanan at dinala na siya sa ospital.


Sa kauna-unahang pagkakataon, doon ay napag-alaman na si Danica ay mayroong anxiety disorder, isang uri ng mental disorder.


Ang ganitong klaseng sakit ay nagdudulot ng labis na produksyon ng cortisol o stress hormones. Kapag tumaas ang lebel nito sa katawan, maaari itong magdulot ng paninigas ng katawan gaya ng nararanasan ni Danica.


Sa tulong ng programang "Dapat Alam Mo!" naipakonsulta sa eksperto ang dalaga. 


Pagbabahagi ni Danica, kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam niya at nagkaroon siya ng mas malawak na kaalaman  patungkol sa kaniyang kondisyon.


Sa mga nakararanas ng stress, depresyon, at iba pang mental disorder, maaaring makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health sa pamamagitan ng mga sumusunod na numero:


0917-899-8727

0908-639-2672

0966-351-4518


Landline number:

7--989-8727

(7-989-USAP)


No comments:

Post a Comment