CHECK THIS OUT:

Search

Porcelain urn jar at laman nitong abo, ninakaw sa loob ng sementeryo

Nagsusumamo ngayon sa publiko ang isang pamilya sa San Jacinto, Pangasinan para ibalik sa kanila ang abo ng kanilang mahal sa buhay na nasa loob ng ninakaw na porcelain urn jar sa loob ng

sementeryo.


Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" noong Lunes (October 25), sinabing labis ang pagkagulat ng pamilya De Guzman nang ibalita sa kanila na wala na ang naturang urn sa keep safe box na nakakandado at nakalagak sa isang public cemetery sa San Jacinto.


Ayon sa caretaker ng sementeryo, posibleng Sabado ng gani o Linggo ng madaling araw nang nakawin ang urn jar na gawa sa porcelain at nagkakahalaga ng P7,000.


Nakikiusap ngayon ang pamilya De Guzman sa mga kumuha ng urn jar na ibalik na sa kanila maski iyong abo na lamang ng kanilang mahal sa buhay.


Nakausap na rin ng pamilya ang ilang mga funeral homes na abisuhan sila kung sakaling may magbenta sa kanila ng ninakaw na urn jar.


Source: GMA News

No comments:

Post a Comment