CHECK THIS OUT:

Search

Bongbong Marcos, kinumpirmang tatakbo bilang presidente sa election 2022

Opisyal ng inanunsyo ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nito lamang Martes (October 5) na kakandidato siya bilang pangulo ng Pilipinas sa election 2022.


Si Marcos ang anak ng dating diktador at pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos.


Ayon sa kaniya, nais niyang ibalik ang pagkakaisa sa bansa habang kinahaharap nito ang krisis na dala ng COVID-19.


"That is why I am announcing here today my intention to run for the Presidency of the Philippines in the coming May 2022 elections... Join me in this noblest of causes and we will succeed," pahayag ni Marcos sa kaniyang deklarasyon na iniere sa pamamagitan ng Facebook live.


Gayunpaman, hindi pa inaanunsyo ni Marcos kung sino ang makakasama niya bilang bise-presidente sa darating na eleksyon.


Source: ABS-CBN News

6 comments: