CHECK THIS OUT:

Search

Kapre, nagwala umano sa isang bahay sa Aklan




Isang kapre ang pinaniniwalaang salarin sa misteryosong pagkasira at pagkabasag ng mga kagamitan sa loob ng isang bahay sa Libacao, Aklan nitong Agosto 31. 


Mga basag na pinggan, bote ng softdrinks, baso, at iba pang kagamitan ang naglipana sa tahanan ng residenteng si Florence Nabiong.


Ayon sa kinonsultang albularyo ni Nabiong na si Raffy Nahil, isang kapre umano ang nagwala at nagdulot ng pinsala sa loob ng naturang bahay.


Ebidensiya umano ang mga bakas ng malaking kamay sa mga nakakalat na bigas sa sahig. Nakumpirma rin raw ito ni Nahil nang makita niyang ang 12 talampakan at mabalahibong kapre sa kaniyang isinagawang ritwal.


Pagbabahagi ng albularyo, nagalit ang kapre matapos gawing lutuan ng pagkain ng baboy ang silong ng tinitirhan niyang puno ng camansi.


Samantala, patuloy pa rin sa paghingi ng tulong ang pamilya ni Nabiong  upang masolusyunan ang kababalaghang nangyayari sa kanilang tahanan lalo pa at dalawang gabi umano na raw silang hindi makatulog dahil dito.


Source: ABS-CBN 


1 comment: