CHECK THIS OUT:

Search

Jessica Soho, 'di umano nag-diet at nag-glow up!?


Usap-usapan ngayon sa social media ang Filipina journalist na si Jessica Soho dahil 'di umano sa kaniyang bonggang glow up transformation.


Nito lamang nakaraang weekend ay kumalat ang ilan sa mga larawan ng isang babae na malaki ang pagkakahawig sa host ng magazine lifestyle show na Kapuso Mo, Jessica Soho.


Pero, teka lang,  ang babae palang nasa mga viral na litrato ay hindi  ang glow-up version ni Ms. Jessica kung hindi ang Korean vocal coach na si Jo A Young mula sa idol survival show na Girls Planet 999.


Ayon sa isang website ng Girls Planet 999 fandom, si Jo A Young ay naging vocal trainer ng ilang K-pop idols katulad ng TWICE, (G)I-DLE, AB6IX, ATEEZ, ENHYPEN, Kwon Jin Ah, Jin Ah Lee, at Park Bo Ram.


Sa sobrang dami ng mga post tungkol dito, nakaabot na rin ang litrato ng Koreana kay Ms. Jessica Soho at tiyak na ngayong linggo ay masasaksihan na rin ng publiko ang kaniyang reaksyon rito.





No comments:

Post a Comment