CHECK THIS OUT:

Search

Psychic na si Rudy Baldwin, ipina-tulfo dahil sa hindi nagkatotoong hula


Isinumbong sa programa ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo ang isang sikat na "psychic" dahil umano sa kaniyang mgga hula na hindi nagkakatotoo at pawang mapanlinlang.


Ang naturang psychic na inireklamo sa "Raffy Tulfo in Action" ay si Rudy Baldwin na milyon-milyon ang followers sa Facebook at ilang beses na ring naitampok sa ilang programa gaya ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Isa sa dalawang nagreklamo ay si Solen Itaya. Aniya, pawang kasinungalingan lamang ang mga "visions" o hula ni Baldwin.


Isa sa mga hindi makatotohanang hula umano ng psychic kay Itaya ay nang sabihin niyang babae ang ipinagbubuntis ng kaniyang apo. Dahil dito, hindi na sila sumailalim sa ultrasound at bumili na rin ng mga gamit para sa babaeng sanggol. Laking gulat na lamang nila nang lalaki ang isinilang ng kaniyang apo.


Lumapit din sa programa ang dating manager ni Baldwin na si Elzen Estores or Bonita Pascual. 


Kwento ni Estores, isa rin siya sa mga nauto ni Baldwin lalo na nang sabihin nitong mananalo siya bilang Mayor ng Bulacan at magugunaw ang mundo noong buwan ng Marso taong 2020 dahilan para ibenta niya ang kaniyang mga ari-arian.


Pabiro tuloy sabi ni Tulfo, "Hindi ba niya na-vision na matu-Tulfo siya?" 


Panoorin ang kabuuang kwento rito.

1 comment:

  1. No comment knya knya Tayo pniwala
    Believe in God God bless every one

    ReplyDelete