CHECK THIS OUT:

Search

Babae, napuno ng paso matapos magliyab ang kalan dahil sa nag-leak na LPG



Maging maingat sa paggamit ng LPG. Ito ngayon ang panawagan ng isang babae na nagtamo ng paso matapos magliyab ng kaniyang kalan dahil sa nag-leak o sumingaw na LPG.


Sa Facebook post ni Andrea Pimentel noong August 14, ibinahagi niya ang mga larawan ng paso na natamo niya matapos ang insidente.


Base sa mga litrato, makikitang nangitim ang mga binti at kamay ni Pimentel gayundin ang bahagi ng kaniyang tiyan.


Aniya, nagkataon na naka-crop top at short siya nang mangyari ang insidente kung kaya halos buong katawan niya ang napaso. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya dahil first degree burn lamang ang kaniyang natamo.


"So ayun, before and after magluto pakicheck po  lagi ng Hose tsaka ng stove kung may leak Para maiwasang hindi mangyari yung ganito sa inyo hehe. First degree lang naman po nangyare kaya swerte padin and okay naman results sa mga Xray. Thank you for everything," paalala ni Pimentel.


Marami naman sa mga netizens ang naalarma sa post ni Pimentel. Sa katunayan, umabot na sa mahigit 13,000 shares ang kaniyang naturang post.



No comments:

Post a Comment