CHECK THIS OUT:

Search

Guwardiya, kulong matapos barilin ang isang magnanakaw


Himas rehas ngayon ang isang guwardiya mula sa Maynila ito ay kahit pa ginawa lamang niya ang kaniyang tungkulin na protektahan ang mga nakatira sa dormitoryo na kaniyang binabantayan.


Sa isang CCTV footage, makikita ang isang lalaki na hinihinalang magnanakaw na umaaligid sa isang dormitoryo. Nagtago pa ito sa likod ng isang sasakyan dahil sinasalisihan niya ang nagrorondang guwardiya.


Sa isa pang kuha ng CCTV camera, makikita naman ang guwardiya na umaatras habang hawak ang kaniyang baril. Dito na pala niya pinatamaan ang magnanakaw na nagtatangkang umatake sa kaniya gamit ang isang ice pick.


Ayon sa ulat ng GMA News, dead on the spot and sinasabing akyat-bahay habang agad namang sumuko sa pulisya  ang guwardiya na nakabaril.


Bagama't iginigiit nito na self-defense ang nangyari, ikinulong pa rin siya sa MPD Homicide section habang hinihintay ang desisyon ng piskalya.

1 comment: