CHECK THIS OUT:

Search

Mag-amang foreigner palaboy-laboy sa kalsada matapos abandunahin ng asawa


Viral ngayon ang mga larawan ng isang banyagang lalaki kasama ang kaniyang anak na babae na palaboy-laboy sa kalsada matapos umanong iwan ng kaniyang abusadong asawa.


Ayon kay Jhoanna Clapano, isang Facebook user na siyang nagbahagi ng kwento, wala ng sapat na kakayahan ang mag-ama na bumalik sa pinanggalingan nilang bansa matapos umano silang abandunahin ng kaniyang asawa na nananakit sa kaniya sa loob ng apat na taon.


Sinubukan na umanong lumapit ng dalawa sa mga kinauukulan ngunit sa halip na tulong ay pagngungutya ang kanilang natanggap.


"Habang nagkukwento siya sa akin ng mga karanasan nila sa loob ng apat na taon, umiiyak siya habang kinykwento na mismong pulis ay tinawag silang baboy, asong gala at marami pa," saad ni Clapano.


"Tinanong ko siya Kong humingi na ba siya ng tulong at Sabi niya oo humingi na sila NG tulong Peru ung pinaghingan nila NG tulong pinalabas na patay na siya," dagdag niya.


Kwento pa ni Clapano, punoo ng sugat ang ama at pagod na pagod na rin ang bata.  Wala silang kamag-anak o kaibigan sa bansa kung kaya nahihirapan silang makahanap ng tulong.


Wala mang malinaw na detalye kung ano ang pangalan at kung saan matatagpuan ngayon ang mag-ama, marami ang gustong magpa-abot ng tulong at nananawagan sa mga programa na maaaring makatulong sa kanila.


 

1 comment:

  1. GOD will make a way matutulongan din kau🙏🙏🙏🙏abusadong asawa sana makunsencxa ka!

    ReplyDelete