CHECK THIS OUT:

Search

Viral: Larawan ng isang seaman, patunay sa mahirap at nakakapagod na trabaho sa barko


Sa tuwing naririnig ng karamihan sa mga tao ang salitang "seaman" marami ang nag-iisip na ito ay isang madaling trabaho na kung saan maaari kang kumita ng pagkalaki-laking  pera. 


Ngunit, nabago ang pananaw na ito matapos mag-viral ng mga larawan ng isang seaman na nakaidlip sa sobrang pagod suot ang napakaruming uniporme.


Ang mga larawang ito ng seaman ay ibinahagi ng kaniyang asawa na si Ticong-Nicolas Jimma sa Facebook noon pang 2019.


Bagama't dalawang taon na ang nakalilipas, patuloy pa ring kumakalat ang kaniyang Facebook post lalo pa at sumasalamin ito sa tunay na karanasan ng mga marinero.


"Love your husband/boyfriend/family as he loves you and your relationship. Saludo sa mga marinero na walang sawang nagpapagod para sa pamilya nila para lang mabigyan sila ng magandang buhay," saad ni Jimma sa kaniyang post.


"For those relatives who always think that your relative seaman is sleeping with money, just look at this picture. Maybe it's a wake up call to some families who are fighting over seaman's money," dagdag nito.


Marami naman ang naka-relate at naantig sa ibinahagi ni Jimma sapagkat sa wakas a, kahit papaano ay nakikita ng mga tao ang sakripisyong inilalaan ng mga seaman para sa kanilang pamilya.


Sa totoo lang, wala naman talagang madaling trabaho. Nakapupunta man sa iba't ibang lugar ang mga marinero sakay ng barko, kapalit naman nito ay lungkot at pagod sa pagkakalayo sa kanilang mga pamilya.

No comments:

Post a Comment