CHECK THIS OUT:

Search

Pananakit ng apo sa sariling lola na may kapansanan huli sa camera

 


Huli sa camera ang pananakit ng isang lalaki sa kaniyang sariling lola na may kapansanan kamakailan lamang habang nasa bakanteng lote sa Brgy. Sta. Cruz Putol, San Pablo City, Laguna.


Sa nakuhang video  ng mga taga-barangay, makikita ang isang lalaki at matanda na nag-uusap. Tila mahinahon ang komunikasyon ng dalawa ngunit maya-maya pa ay sinampal na ng lalaki ang walang kalaban-laban na lola.


Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa at animo'y hinihikayat ng matanda na huminahon ang kaniyang apo ngunit sa huli muli lamang itong nasampal at naambahan ng suntok.


Ayon sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles (Abril 14), bago pa man ang naturang pananakit, dumulog na ang matanda sa kanilang barangay dahil sa kaharasan nararanasan nito sa kaniyang sariling apo.


Dahil dito, minatyagan ng taga-barangay ang  ang apo at ang lola hanggang sa maaktuhan na nila ang pananakit sa matanda.


Gayunpaman, hindi pa rin maiwan ng lola ang kaniyang apo dahil mabait naman umano ito, nagbabago lamang sa tuwing naiimpluwensyahan ng alak at lango sa ipinagbabawal na droga.


Sa kasalukuyan, minabuti na ng Department of Social Welfare and Development na ilagay sa kanilang kustodiya ang matanda para sa kaniyang kaligtasan.


Sa kabilang banda, inihahanda na ng San Pablo City Police ang kaampatang reklamo laban sa apo nito.

Watch:


1 comment:

  1. Kung na-aktuhan sa pananakit bakit hindi pa hinuli agad ng taga-brgy.

    ReplyDelete