CHECK THIS OUT:

Search

Foreigner naubos ang pera matapos may makarelasyong Pinay


Hindi na makauwi ng kaniyang bansa ang isang foreigner na nasa Pilipinas dahil sa nasimot na ang kaniyang dala-dalang pera matapos magkaroon ng relasyon sa isang Pilipina.


Ayon kay Leiv Macutay Pader Orravan, expired na ang VISA at wala ng pera ang foreigner na si David Segl, dahilan kung bakit hindi ito makauwi sa Viena, Austria kung saan siya nanggaling.


Nagkaroon daw umano ito ng karelasyon sa Barangay Maguirig, Solana, Cagayan ngunit mukhang nauwi sa  hindi maganda ang ang ugnayan ng dalawa.


Pakiusap ni Orravan, sana raw ay hindi magalit ang dating nakarelasyon ni Segl dahil sa pagbabahagi niya ng kwento ng foreigner. Giit niya, ginagampanan lamang niya ang kaniyang obligasyon makatulong sa kapwa.


Dagdag niya, maraming tao sa Maguirig ang lumapit na sa kaniya upang matulungan ang foreigner na makauwi sa kaniyang bansa.

2 comments:

  1. RAFFY TULFO in action kasuhan Yung pinay umubos Ng pera Ng kano nakakahiya pera lang kailangan my god Ang pinay nga nman tapos mpakinabangan iiwan nalang sa Isang tabi nkakaawa nman ..Kung makakauwi sa bansa Nila malamang mapera yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaso agad? Alam nyo ba po ba ang buong kwento? Both side? Gaano nyo po ba kakilala ang kano na yan ? Magkaganon pa man .wala naman talaga tayong karapatang manluko ng kapwa.

      Ngunit mas lalong wala rin po tayong karapatang humusga ng kapwa .. ang dapat husgahan natin ay ang mga sarili natin .

      Delete