CHECK THIS OUT:

Search

Isang lola sa Pampanga na edad 102 may mahigit 100 na apo; wala pang maintenance


Si lola Leonora Ibay na taga Barangay Santiago, Lubao, Pampang ang malakas at walang anumang karamdaman. Ang kaniyang edad ay 102 ipinanganak noong May 20, 1920.


Isa si lola Leonora sa pinakamatandang Kapampangan na nabubuhay sa kasalukuyan, ayon ito sa Pampanga Information Office.


Binigay ng insentibo si lola Leonora ng provincial government na higit na PHP100,000 ito ay bahagi ng programa bilang pasasalamat sa mga senior citizen na 95 years old pataas sa kanilang kontribusyon sa kani-kanilang komunidad.


Si lola ay hindi pa umiinom ng kaniyang maintenance ito ay malakas, maliksi at nakakapaglakad pa, maging ang kniyang pananalita ay malinaw pa.


Siya ay tinaguriang "Old but Gold" dahil umabot na rin ang kaniyang mga apo sa 100 sa kanyang 18 na anak.


Wala siyang sikreto tungkol sa kaniyang magandang pangangalusugan “Ewan ko bakit hindi ako tumatanda. Nasa Diyos iyan at sa mga bata, sa mga anak ko.”


Si lola ay masaya sa kaniyang maraming apo lagi nga daw niyang iniisip na sana sila ay umunlad sa kani-kanilang buhay.


Bukod naman sa insentibong natanggap niya mula sa provincial government, qualified din si Lola Leonora sa PHP100,000 insentibo mula sa Department of Social Welfare and Development alinsunod sa Republic Act No. 10868 o ang “Centenarians Act of 2016.”

No comments:

Post a Comment