Kilalanin ang buhay ni Vernon Kwek, 49 years old at siya ang Chief Executive Office ng Primech Services & Engineering.
Bago maging isang matagumpay si Vernon madami muna itong pagsubok na dinaanan, noong siya ay bata pa lamang nawalan na ng trabaho ang kanyang magulang.
Kaya si Vernon ay naghanap din ng trabaho para makatulong sa pamilya siya ay huminto ng pag aaral at naging full-time cleaner sa edad na 14.
Sinabi ni Vernon sa isang interview na “It was good money to me and I enjoyed the job."
“I was even more interested in it when I found out that managers of cleaning companies could earn about SGD$1,700 (PHP69,419.94) a month."
“It’s SG$200 more than an engineer fresh out of university in the 1980s.” dagdag pa niya.
Dahil sa kanyang kasipagan, si Vernon ay na-promote na bilang senior supervisor at nagkaroon ng love life.
Pero hiniwalayan din ito agad dahil ayon sa babae, Si Vernon ay “just a cleaner.”
Dahil sa masasakit na salita ang natanggap ni Vernon sa babaeng kanyang minahal mula noon nagsikap si Vernon.
Binigyan ng kumpanya ng pag kakataon na makapag patakbo ng sariling subsidiary cleaning company at nag hire siya ng nga sariling empleyado.
Dahil sa dami ng kanyang naging projects, nagsimula siyang kumita ng SGD25,000 (PHP1,020,881.46) kada buwan.
Ngunit hindi naman lahat ay tagumpay ang natamasa ni Vernon dahil sa kita niya nag-enjoy siya sa pagbiyahe sa iba-ibang bansa kaya napabayaan ang negosyo.
“My bosses eventually found out about it and withdrew all the contracts. I was left with debts of SG$200,000 (PHP8,167,051.71).”
Siya ay nag-file siya ng bankruptcy nang singilin na siya ng mga pinagkakautangan.
Naranasan din niyang mabilanggo ng ilang beses, nang ito ay makalaya nanirahan muna sa Johor Bahru para makatipid. Sa panahong ito natanggap si Vernon sa WIS Holdings bilang operations manager.
Nabili ng WIS Holdings ang Primech, at si Vernon ang nangasiwa sa operasyon nito. Mayroon itong 200 na empleyado, at kumikita ng SGD$500,000 a month.
Makalipas ang pitong taong pamamalakad ni Vernon, umabot sa 1,500 ang empleyado nito, at kumikita na ng SGD$3 million a month ang kumpanya.
Kasama sa terms ng bentahan ang patuloy na pamamahala ni Vernon sa Primech, at ang pagkakaroon niya ng 30 percent stake sa kumpanya at maging sa apat na kumpanyang nabili rin ng Sapphire Universe.
Sa ilalim ni Vernon bilang CEO ng Primech, ngayon ay may mahigit 3,000 na empleyado na ang kumpanya.
Si Vernon naman ay may asawa na at apat na anak at wala na siyang naging balita sa kanyang ex-girlfriend na sinaktan ang kanyang puso maraming taon na ang nakalilipas. Gayunpaman, iniisip niyang naging bahagi ito sa kanyang success.
No comments:
Post a Comment