CHECK THIS OUT:

Search

Groom pumanaw isang araw matapos ikasal “From Congratulations to Condolences”


Isang nakakalungkot na post ni Aj Jallorina noong December 17,2022, ang caption ng kaniyang post sa Facebook ay “From marriage certificate to death certificate. From Congratulations to Condolences”.

 

Ang kaniyang mister ay si James Steven Chong, sa pagpapatuloy ni Aj sa kaniyang post “Mahal ko, Thank you for making me the happiest bride. Sabi mo nga, di moa ko nasu-surprise kasi lagi kong nakukutuban.”

 

“Mahal ko, hindi ko ito nakutuban. Hindi ako makapaniwala. Napakasaya natin. Saksi ang Ama at ang lahat.” Dagdag pa ni Aj.

 

Ang pinaka malungkot naman na bahagi ng post ay ang “Napakasakit na pumirma tayo sa marriage certificate nating ng December 15, tapos December 16 death certificate mo na ang pinipirmahan ko.”

 

Dagdag pa ni Aj, “ Kasama sa vow ko ang aasikasuhin kita, pero hindi agad sa funeral mo.” Walang binanggit na kung ano man sa dahilan ng maagang pagpanaw ng kaniyang mister.

 

Sa huling caption ng post sinabi ni Aj na, “ mahal, Salamat sa sampung taon na pagmamahal, Mahal na mahal kita.”

 

Nag bahagi naman ang Facebook-Page na Event Innovators-Wedding Coordinato ng larawan nang ikasal sina Aj at James. “ One of the saddest news we received from our couple. We offer our sincere condolences to Mrs. AJ Jallorina Chong.”

 

Bumaha rin ng pakikiramay sa mga Netizens at pakikiramay mula sa kaniyang pamilya, kaibigan, at kakilala nina Aj at James ramdam na ramdam ang dalamhati ng sobrang agang nabiyudang bride.

No comments:

Post a Comment