CHECK THIS OUT:

Search

Saan nga ba galing ang trending na "Sampung libo ni Cayetano" ?

 


Kung mapapansin ito sa mga komento sa Facebook, Twitter, at Instagram. Meron at meron kang makikitang komento na "Hinihintay ko parin yung promise ni Cayetano na sampung libong pisong ayuda."


Madalas na makikita ang komento tungkol sa 10,000 pesos ni Cayetano. Makikita rin ito sa iba't ibang platforms kaya ginawa na rin itong memes.


Noong nakaraang sabado merong nag post ng poll sa Facebook at tinanong na " kung sakaling makuha ang P10K ano ang iyong gagawin?"


Ang tinutukoy na "Cayetano" ay si Senator Alan Peter Cayetano. Nagsimula ang ugat na isyung ito sa katapos lang na 18th Congress under sa Duterte Administration, isinumbit ng mag-asawang si Alan at Lani Cayetano ang House Bill No. 8597 o ang "10K Ayuda" bill.


Ito ay isang Financial Support Program sa bawat Pamilyang Pilipino o P1.5k kaa miyembro ng Pamilya. Hindi pumasa sa Kongreso ang House Bill No. 8597 na dapat sana ay nakapaloob sa Bayanihan 3 Covid-19 act na may P5 Trillion budget para sa taong 2022.


Sa kadahilanang hindi ito naisabatas walang natanggap ang mga tao, kaya ngayon, naging sikat ang linyang "Sampung libo ni Cayetano" at paulit ulit na itong ginagamit ng mga Pilipino.


Paglilinaw ni Alan, ang PHP10,000 Ayuda ay iba pa sa privately funded na “Sampung Libong Pag-asa” program, na nagkaloob ng PHP10,000 cash sa mga piling benepisyaryo.


Ang “Sampung Libong Pag-asa” program na sinimulan niya noong May 1, 2021 ay malaking bahagi ng kanyang economic recovery plan para matulungan ang mga bawat Pamilya.


Ani Alan, "Sa mga namba-bash sa PHP10,000 Ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tigsasampung libo, ibinigay ko na sa kanila pero sa katotohanan, ito’y isang legislative proposal. So ang hinihingi ko po doon sa mga tumutuligsa sa programang Sampung Libong Pag-asa during the pandemic, tumulong na lang kayo.”


Paliwanag pa ni Alan, ang pamimigay ng PHP10,000 na ayuda sa bawat pamilya ay isa lang “legislative proposal” at isa sa mga priority bills na agad niyang isusumite sa 19th Congress sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr.


Inihinto naman niya ang Sampung Libong Pag-asa program noong February 7, 2022, alinsunod sa patakaran sa pangangampanya ng Commission on Elections na bawal na ang mamigay ng tulong dahil baka mapagkamalang vote-buying move ito.





No comments:

Post a Comment