CHECK THIS OUT:

Search

Lalaking may Autism, pinang bili ng krayola ang naipong pera at pinamigay sa mga estudyante

 


May autism spectrum disorder ang isang lalaki na 32-anyos at pinatunayan niya na sakabila ng kanyang kondisyon nanaig ang kabutihan ng puso na bumili ng crayons gamit ang kanyang naipong pera na P13,000 nakuha sa pag hihingi ng limang piso.


Ibinabahagi ang mga krayola sa mga estudyante sa Balete, Aklan, sinabing mahirap ang buhay ng mga mag aaral sa Calizo National High School kaya hindi madali para sa mga ito na bumili ng mga gamit para sa paaralan.


Kaya mapapansin na pudpod na ang mga krayola ng mga estudyante sa paaralan. Laking pasasalamat nila nang dalhan sila noong pasukan ng 160 na kahon na may laman na bagong krayola galing kay Chris Francisco, isang binata na may sakit na Autism.


Si Chris ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral at wala rin itong trabaho, may aking talino si Chris, marunong makaunawa at sumusunod sa mga simpleng utos ng kaniyang tiyahin katulad nalang ng pag wawalis, pag-igib ng tubig at pag-didilig.


Nanghihingi siya ng limang piso sa tuwing natatapos niya ang kaniyang gawain ngunit hindi nila napansin na iniipon pala yon ni Chris sa kaniyang kama sa loob ng tatlong taon.


Umabot sa P13,000 ang halaga ng kaniyang naipon na ipinambili ng krayola "Para naman magustuhan nilang lahat, para matuto sila na magkulay nito," sabi ni Chris.


Ayon sa guro na si Maria Birol, ipinatawag siya sa opisina ni Chris para ipaalam ang tungkol sa mga krayola na nais niyang ibigay sa mga mag-aaral.


Sabi ng guro na si Juliet Justo, "Nagtinginan lang kaming mga teacher at hindi namin namalayan na naiiyak na pala kami.Si Chris ay special child with a special heart,".


Ipinanganak si Chris na may autism spectrum disorder, na nadiskubre ng kaniyang mga magulang noong batapa lang siya gayunman, hindi ito naging hadlang dahil kusang nag-aral na mag-isa si Chris.


"Binu-bully siya ng mga estudyante, binu-bully siya ng mga tao. Nakikipag-away ako sa kanila, sabi ko 'Kayo ang nasa tamang pag-iisip bakit ginaganiyang niyo si Cris?'" sabi ni Dely Dalida, tiyahin ni Chris.


Maaga ring namatay ang mga magulang ni Cris dahil sa sakit at mula noon ay tumira na siya sa kaniyang lolo at lola. Ngayon, nananatili si Cris sa kaniyang mga tita habang nagtatrabaho ang mga kapatid.


"Para naman matuwa sila at ma-appreciate ang ginagawa kong pagkukulay dito para naman mabuhayan sila ng loob. Generosity is a blessing from heaven," sabi ni Chris tungkol sa kusang loob niyang pagbibigay ng crayons sa mga estudyante.

No comments:

Post a Comment