CHECK THIS OUT:

Search

Isang Senior Citizen nahimatay matapos makipagsiksikan sa DSWD Office

 


Nahimatay ang isang senior citizen matapos makipagsiksikan para lang makapasok sa central office ng DSWD para sa educational assistance. 


Dahil sa dami ng taong mga dumagsa hindi maiiwasan ang tulakan ng mga tao, Hindi na rin macontrol ang mga tao at patuloy pa din dumadami.


Ang mga ilang pang residente ay nagtatangka ng umakyat sa bakod makapasok lamang sa office ng DSWD sa Quezon City.


At sa kasalukuyan ay mahaba parin ang pila sa DSWD office dahil ang mga ibang tao ay magdamag na maghihintay para lang sila at makapasok at mapa bilang sa listahan ng Educational Assistance.


Nagsimula na ngayong, August 20, at sa susunod na lima (5) pang Sabado hanggang September 24. Sa Central Office, magbubukas ang gate ng 7:00 ng umaga. 


Ang mga DSWD Field Offices at SWAD/satellite offices ng ahensya sa iba't ibang rehiyon ay magsisimulang tumanggap ng mga aplikante at mag-payout ng 8:00 ng umaga.

No comments:

Post a Comment