Ang gobyerno ay may sapat na pondo para sa cash assistance ng mga mahihirap na estudyante na papasok ngayong Agosto 22,2022.
Ito ay sinigurado ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa Malacañang matapos dumalo sa Cabinet meeting.
Ayon kay Tulfo, mayroong P500 milyon na budget ng DSWD kaya sinigurado nito na hindi mauubusan ng pondo ang ahensiya.
“Don’t worry ho, bayan, nakasubi na ho iyong budget. Hindi ho kayo mauubusan niyan kasi we saved around 500 milyon po na pondo para po sa mga estudyante natin na indigent na kailangan po ng mga gamit – five hundred million po iyan all throughout the country,” sabi Tulfo.
Puwede magpa-appointment sa pamamagitan ng online o kaya walk-in subalit mas pinapayuhan nila ang mga mahihirap na estudyanteng mag-email na muna sa kanilang tanggapan.
Anim na Sabado aniyang tatakbo ang pamimigay ng cash assistance hanggang sa masigurong nabigyan lahat ng ayuda ang mga mahihirap na estudyante sa bansa.
Aminado naman si Tulfo na wala silang mekanismo para i-counter check kung totoong ginamit para ipambili ng school supplies ang perang ibibigay sa mga mahihirap na estudyante.
Tatanggap ng tig-P1,000 ang elementary students, P2,000 sa high school, P3,000 sa senior high at P4,000 sa college students o vocational courses.
No comments:
Post a Comment