CHECK THIS OUT:

Search

Ginawang bridal car ang karitong hinihila ng kalabaw sa Cagayan




Isang Netizens ang nala throwback dahil sa tradisyong Pinoy matapos itong gamitin ng bagong kasal ang karitong hinihila ng kalabaw bilang kanilang bridal car sa Peñablanca, Cagayan.



Makikita ang ilang larawan ng bagong kasal ng Pilipinang si Sabel Mora Taylor at Australyano niyang asawa na si Andrew Taylor.



"The reason we used a cart was because my wife is a princess, and all princesses travel in carts. So I thought we'll get a carabao, because that's the native animal around here. Everyone has a carabao," ayon kay Andrew.


"So we thought we decorate a cart and get a carabao to pull us along and use it for my wife, because she's a princess," dagdag pa ni Andrew.


Ayon sa mag-asawa, lulubog sa maputik na lupa ang gulong kung ibang sasakyan ang kanilang gagamitin at ituloy ang kasal kahit bumuhos ang ulan.


Gumamit ng kariton o kareta bilang bridal car ni Sabel para mapabilis na anh kaniyang byahe sa nag-aantay na groom at mga bisita sa simbahan.


"Nakatataba ng loob. Kahit na umulan, it's a blessing," anang ginang.


Umabot ng mahigit dalawang milyong views, libo-libong shares, comments at reactions ang video nina Sabel at Andrew, Karaniwang inilalagay ng mga magsasaka sa kareta ang kanilang mga inaning mais para madaling maibiyahe ang nasabing produkto.

No comments:

Post a Comment