CHECK THIS OUT:

Search

Isang lalaki nag bebenta ng lugaw sa halagang P2 sa Valenzuela


Sa halaga lang na dalawang piso makakabili kana ng paborito mong almusal na lugaw sa Valenzuela City, kaya maraming netizens ang hindi makapaniwala.


Isang food vlogger ang napabilib sa Lugawan ni Mang Romy's kaya mas pinasikat niya pa ito sa pag popost sa application na Tiktok.


"Meron pa palang maabot ang dalawang piso,” ito ang sinabi ng vlogger sa kaniyang tiktok video

na ngayon ay may 523,000 views at mayroon din 3,732 comments.


Kinilala ang "Mang Romy" dahil ang lugawan na ito ay nag simula noong 1974. Hindi naman ito ang unang beses na sumikat si Mang Romy sa online.


Noong 2010 isang facebook fan page ang sinuportahan at inadvertise ang lugawan ni Mang Romy. Dahil sa bilang ng mga post at pag gawa ng memes na "saan aabot ang dalawang piso mo" kaya ngayon meron ng 8,422 page followers.



Hindi lang yon meron pang isang facebook page ang nag feature sa lugawan ni Mang Romy at ang Facebook page na yon ay ang One Valenzuela noong 2019.


"Ang lugawan ni Mang Romy ay ang takbuhan ng mga nagugutom na walang budget" sabi ng isang FB user.



“Namiss ko ‘to promise! Lugaw na 2 pesos plus dila at pinagputulan!!!,” Dagdag pa ng isa pang user.


No comments:

Post a Comment