Isang mahalagang yaman ng isang tao ang edukasyon kaya naman talagang marami sa ating mamamayan na kahit hirap sa buhay pinagsisikapan nilang makatapos ng pag aaral o kaya kahit ilang taon ng natigil dahil sa kahirapan ay pinipili pa rin balikan ang pag-aaral at tapusin ito.
Sa isang kwento na punong puno ng inspirasyon at ito ay patungkol sa naging pag-aaral ng isang 36 years old na sa kabila ng kaniyang edad na may katandaan na din pinili parin nitong makatapos ng kaniyang pag-aaral.
Ibinahagi rin niya na habang siya ay nag-aaral kandong- kandong niya ang kanyang anak na kailangan niyang alagaan habang siya ay pumapasok.
Si Lectana Baldonaza ang 36 years old na ina naisipang muling bumalik sa eskwelahan para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at kahit marami siyang naririnig na mga krstisismo na nag sasabing bakit pa siya mag babalik sa pag-aaral eh matanda na siya, Binabale wala niya lang ito at mas piniling maging determinado na tuparin ang kanyang pangarap.
Nag papasalamat si Lectana sa mga teaching and non-teaching staff ng eskwelahan na kanyang pinasukan, ito ay dahil sa sinusuportahan at inuunawa ng mga ito ang kalagayan niya at ng kaniyang anak na karga sa pag pasok sa paaralan.
Isang inspirasyon nga naman para sa marami ang kwento ni Lectana na kung saan ay ipinabatid nito kanino man na lahat ng pangrap ay may katuparan gaano man ito kahirap basta ito ay iyong pagsusumikapan.
No comments:
Post a Comment