Mauunang munang mabibigyan ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga estudyanteng magpaparehistro sa online. Ito ay para hindi na maulit ang gulo sa pamamahagi ng one-time cash grant ng DSWD gaya ng nangyari noong nakaraantg Sabado.
Sa isang interview, Nag bigay ng payo si DSWD Secretary Erwin Tulfo ang mga beneficiary applicant na kumuha ng appointment sa pamamagitan ng QR code na inilabas ng ahensya.
Kinakailangan lamang i-scan ang QR code gamit ang cellphone at magparehistro online para makakuha ng schedule kung kailan kukuha ng educational assistance.
Simula sa susunod na Sabado, sa mga lungsod o munisipyo na gagawin ang pamamahagi ng educational assistant. Patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga lokal na pamahalaan upang maplantsa ang proseso ng distribusyon ng cash aid.
No comments:
Post a Comment