CHECK THIS OUT:

Search

Isang Ina niregaluhan ng P1 Million at house and lot sa kaniyang 67th birthday

 


Hindi makapaliwala si Aling Lolita na sa kanyang ika-67 kaarawan, magiging milyonarya siya at matutupad ang pangarap niyang magkaroon ng bahay at lupa. Ang 1 milyon pesos at house and lot ay regalo ng kanyang anak na si Lou.


Nag-upload si Lou ng posts sa Facebook. Makikita sa video na si Lou at ang kanyang ina sa pamamagitan ng mala-"Pera o Bayong" challenge.


Mapapanood na pinapapili si Aling Lolita kung PHP100,000 o silip sa kuwarto. Walang kaalam-alam ang ginang kung ano ang nasa loob ng na ipapasilip sa kanya.


Ito ang dahilan kung bakit kahit ipinapaypay ang one-thousand-peso bills kay Aling Lolita ay pinili niya ang silip sa kuwarto. bago pinapili si Aling Lolita kung pera o kahon ay inabutan muna siya ni Lou ng PHP50,000.


Pero dahil sa sinabi ni Lou na magtiwala sa kanya ang ina, mas pinili ni Aling Lolita na silipin ang laman ng kuwarto.


Sumambulat sa paningin ni Aling Lolita ang hindi mabilang na tig-iisang libo at ilang tig-limang daang pisong pera nang buksan niya ang pinto.


Sabi ni Lou na maririnig sa video, "Ma, there's more! House and lot!"

Sabay pagpapakita kay Aling Lolita ng blueprint ng ipapatayong bahay para sa ina.


Sinabi ni Aling Lolita sa show, "Para akong binigyan ni Willie Revillame ng pera, house and lot, at nanalo ako ng one million. Para akong nanalo sa lotto."

No comments:

Post a Comment