CHECK THIS OUT:

Search

Mark Herras aminadong kinwestyon ang Diyos matapos sunod-sunod na mamatayan

 


Ikinwento ng aktor na si Mark Herras kung paano siya nagkaroon ng depresyon at nawalan ng patutunguhan sa buhay matapos sunod-sunod na mawala ang ilan sa mga pinakaimportanteng miyembro ng kanilang pamilya.


Naibahagi ito ni Mark, isa ring dancer, sa TV hosts na sina Camille Prats at Kim Atienza nang mag-guest siya sa GMA morning talk show na "Mars Pa More."


“Namatay ‘yung lola ko, then my dad, then my mom, then my tito — sunod-sunod sila. 2011 si lola, 2014 is my dad, after two years my mom, then after six months my tito,” he said. “Hindi ako nakapag-mourn nang maayos kasi magmo-mourn pa lang ako sa dad ko, namatay na mom ko, then after ‘yung tito ko — parang paano ako magmo-mourn?” pagbabahagi ni Mark.


Dahil sa mga naging pagsubok niya sa buhay, inamin ng aktor na dumanas siya ng depresyon at natagalan bago siya nagkaroon ika nga'y "turning point."


“Ang tagal nung turning point — nung dumating sa akin ‘yung pamilya ko, si Nicole (Donesa) and si Corky. Before them, nandoon ako sa parang, ‘Bahala na,’ walang directions.”


Si Nicole ang asawa ni Mark at si Corky naman ang kanilang anak.


“Before I joined ‘StarStruck,’ sinasabi nila, ‘Bakit ka nag-showbiz?’ [I answered], ‘Just to help my family,. Nung nawala ‘yung core na pamilya ko, wala na. Parang nawalan ako ng direksyon sa buhay, kung ano pang dapat kong gawin.”


Ilang ulit daw kinwestyon ni Mark ang plano sa kaniya ng Panginoon ngunit kalaunan ay naunawaan niya na binigyan siya ng napakaraming pagsubok nang sa gayon ay mas maging matatag siya at responsableng ama sa kaniyang anak, at partner sa kaniyang asawa.


“Before lagi kong tinatanong na, ‘Why God? Ano po bang plano Niyo sa ‘kin?’ Nung time na ‘yun kino-kontra ko na, ‘Parang mali, hindi Niyo dapat sila kinuha sa ‘kin’ pero ngayon ito pala ‘yung purpose,” he said. “Para matuto ako sa buhay, to be a responsible father sa anak ko and to be a better partner sa wife ko.”


No comments:

Post a Comment