CHECK THIS OUT:

Search

Hiling ni Whamos sa kaniyang anak: 'Wag mo sana ako maka muka baby'


Ayaw makamukha ng social media personality na si Whamos Cruz ang kaniyang magiging anak sa live-in partner na si Antonette Gail Del Rosario upang hindi nito umano maranasan ang laitin ng mga tao.


Noong Hunyo 27, sinabi ni Whamos "WAG MO SANA AKO MAKA MUKA BABY PARA DIKA MAKARANAS NG PANG LALAIT NG IBANG TAO.”


Mabilis itong pinag-usapan ng netizens at marami rin ang nag-usisa kung bakit ganoon ang naging pahayag ni Whamos. Kaya  naman noong Hulyo 1, sa isang video, nagbigay ng paliwanag ang vlogger.


Ayon kay Whamos, mas gugustuhin niya pang makamukha ni Antonette ang kanilang magiging anak upang hindi nito maranasan ang mapapait na karanasang kaniyang paulit-ulit niyang tinitiis.


“Kaya ko ginawa yun at sinabi ko sa magiging anak ko yun para hindi niya maranasan kung ano yung nararanasan ko ngayon at kung ano yung noon ko. Kung pangit ako, edi pangit ako. Sabihin niyo na lahat sa akin na pangit ako, maitim ako, maliit ako, payat ako lahat yun sasarilinin ko na lang,” paliwanag ni Whamos na tampulan ng tukso dahil sa kaniyang panlabas na itsura.


“Para ‘pag labas niya [anak] okay yung itsura niya, mana sa mommy niya na maganda, na maputi, mabait, matangos ang ilong, maganda ngumiti… sana paglabas ng anak ko maging kamukha ng mommy niya para walang masabi yung ibang tao paglaki ng magiging anak ko, na hindi na rin niya maranasan yung sitwasyon ko ngayon, kung ano yung natatanggap ko sa ibang mga tao,” aniya pa.


Pero kung sakaling maging kamukha niya raw ang kaniyang anak, magiging masaya pa rin daw si Whamos at tatanggapin niya ito ng buong puso.


"Proud pa rin naman ako kasi kung ano yung binigay ng Panginoon guys, pangit man o maging maganda yung bata, para sa akin doon ako. Kung anuman ang ibigay ni Lord, doon ako.”


No comments:

Post a Comment