CHECK THIS OUT:

Search

Teacher, nagyapak maipahiram lang ang black shoes sa graduating student na sira ang sapatos


Marami ang naantig at natuwa sa kabutihan  ng isang guro mula sa Zamboanga City matapos nitong magyapak para ipahiram ang kaniyang black shoes sa isang graduating student na sira ang sapatos.


Ayon sa ulat ng GMA News, nakapila na paakyat ng stage ang estudyanteng si Rey Paul Daval nang mapansin ng gurong si Christian Carpio ang kaniyang sapatos na balot ng scotch tape. 


Dahil dito, dali-daling hinubad ni Carpio ang kaniyang sapatos at saka ipinasuot kay Daval.


Ayon kay Carpio, nauunawaan niya ang posibleng nararamdaman ng estudyante noong panahong iyon dahil siya mismo ay nakaranas na magsuot ng hindi kagandahang sapatos noong siya ay nag-aaral pa lamang.


Matapos ang graduation, agad namang isinauli ni Daval ang sapatos ngunit ipinauwi na lamang ito ni Carpio bilang kaniyang graduation gift sa bagong graduate.


No comments:

Post a Comment