CHECK THIS OUT:

Search

Empleyado, nag-resign matapos aksidenteng makatanggap ng sahod nang 330 beses


Hindi na mahagilap pa ang isang empleyado mula sa Chile matapos aksidenteng maihulog ng kaniyang employer sa kaniyang payroll account ang  halaga ng pera na 330 beses ang laki sa kaniyang buwanang sahod.


Ayon sa ulat, ang empleyado ay isang dispatch assistant sa CIAL Alimentos. Kada buwan ay sumasahod siya ng 500,000 Chilean pesos o P29,750 Philippine pesos.


Nang mapag-alaman ng empleyado ang nangyaring overpayment sa kaniya, agad naman niya itong ipinaalam sa kanilang deputy manager. Ini-report naman ng manager ang insidente sa kanilang human resource department na nag-utos sa empleyado na pumunta sa bangko upang maibalik ang pera sa kompanya.


Iyon nga lang, hindi ibinalik ng empleyado ang pera at hindi na rin siya ma-contact ng CIAL Alimentos. Nagpadala pa siya ng resignation letter sa kompanya sa pamamagitan ng kaniyang abogado.


Dahil dito, nagsampa ng reklamo ang CIAL Alimentos sa dating dispatch assistant. Gayunpaman, tumanggi ng magbigay ng pahayag ang kompanya sa media ukol sa pangyayari.


Source: The Philippine Star


No comments:

Post a Comment