Labis na ikinatuwa ng publiko ang inilabas na executive order ng munisipalidad ng Mulanay, Quezon dahil sa wakas ay hindi na nila kailangang katakutan at kainisan ang mga masusungit at nakasimangot na empleyado ng lokal na pamahalaan ng kanilang lugar.
Sa E.O. No.002, Series of 2022 na inilabas noong July 5, ipinag-utos ni Mulanay Mayor Aristotle Aguirre na dapat ay nakangiti ang lahat ng empleyado ng LGU sa tuwing may transaksyon sa mga constituent.
Tinawag ito ni Aguirre bilang "Smile Policy," isang flagship program sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
"I ordered the adoption of Smile Policy particularly in a frontline services to our constituents. Weaking a smile as we serve people lightens the burden of our kababayan," pahayag ni Aguirre.
Sa Silang, Cavite, ang Smile Policy ang isa rin sa unang ipinatupad ng alkaldeng si Kevin Anarna.
Ayon kay Anarna, ang pagngiti ng mga empleyado sa munisipyo sa tuwing haharap sa mga tao ay isa sa mga pagbabago na nais niyang ipalaganap sa kanilang bayan.
“Unang-una po, dapat po, pag pumunta po ngayon sa munisipyo, lahat ng empleyado, nakangiti. Bawal na ang sumimangot,” sabi ni Anarna
“Yung iba po kasi nating empleyado, hindi ko po alam kung ipinaglihi sa sama ng loob,” biro pa niya.
Ang sinomang lalabag sa polisiya ng Mulanay at Silang ay kapwa haharap sa disciplinary action.
Source: Pep.ph
No comments:
Post a Comment