CHECK THIS OUT:

Search

DSWD nilinis ang listahan ng 4Ps; sunod na kaya ang senior ayuda list?


Milyon-milyong pamilya ang hindi na tatanggap ng ayuda mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) matapos linisin ng Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ang listahan ng mga benepisyaryo ng naturang programa.


Ayon kay Tulfo, "graduate" na sa extreme poverty threshold ang 1.3 milyong benepisyaryo kung kaya inalis na ito sa listahan ng mga tatanggap ng conditional cash grants mula sa gobyerno.


Dahil sa ginawang paglilinis na ito ng Department of Social Welfare and Development maaari ng makapasok sa programa ang mga pamilya na nakararanas talaga ng matinding kahirapan sa bansa.


“This frees up P15B for other qualified persons to replace them and now be included in the 4Ps program,” saad ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles.


Umaasa ngayon ang Senior Citizen Party-list na sunod ng lilinisin ng DSWD ang listahan ng mga pensiyonadong senior citizens upang mas marami pang matatanda sa bansa ang makakuha ng ayuda sa gobyerno.


“Kami sa Senior Citizen Party-list ay nagpapasalamat sa ginagawa ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na paglilinis ng listahan ng mga 4Ps beneficiaries,” ayon kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes.

Source: Inquirer.com

No comments:

Post a Comment