CHECK THIS OUT:

Search

Charcoal painting na ipinadala ng Pinoy artist kay Michael Jordan, nagkakahalaga na ngayon ng P40-M


Nag-uumapaw pa rin ang saya magpahanggang ngayon ng Pinoy artist na si Christian Oliver Talampas matapos pirmahan ng greatest basketball player of all time na si Michael “MJ” Jordan ang kaniyang charcoal painting na ilang oras niyang pinaghirapan.


Nagsimula ang kwento ni Talampas nang i-post niya sa social media ang isang video na nagpapakita kung gaano niya katagal iginuhit ang larawan ng kaniyang idolo.


Nakiusap si Talampas sa mga netizen na i-share ang kaniyang video post hanggang sa makarating at mapansin ni Jordan o "His Airness," kung tawagin ng kaniyang  fans.


Sa hindi inaasahang pagkakataon, dahil sa post ni Talampas, nakatanggap siya ng mensahe mula sa US-based sneaker collector na si Brian Apodaca na siyang naging tulay upang makarating nang personal ang charcoal painting ng Pinoy artist kay Jordan.


Nang maipadala na sa US ang painting ni Talampas ang kaniyang obra, labis niyang ikinagulat ang sumunod na nangyari. Ipinadala kasi pabalik ni Jordan ang original painting kay Talampas  na mayroon ng pirma ng basketball star.


“MJ kept the print and sent me back the original artwork, which is the one I have now with his signature,” sabi ni Talampas. “My goal was to really give him the original piece. But he was kind enough to keep the print instead.” 


Bukod sa autographed painting, pinadalhan din siya ni Jordan ng iba pang MJ-penned memorabilia.


Sa ngayon, ang kaniyang artwork ay naka-display sa isang gallery. Wala raw balak si Talampas na ibenta ito kahit pa milyon-milyon ang aabutin ng presyo nito.


“Not for sale...I really don’t plan on selling it. I consider it priceless. Sa tingin ko it keeps the bond between MJ and I. I sincerely consider it a national treasure as an MJ avid fan. Something na nakaka-proud as a Filipino to have.”


Ayon kay Secret Fresh Gallery at modern art expert Bigboy Cheng, ang painting ni Talampas ay maaaring umabot sa presyong P40 million o higit pa dahil bibihirang magbigay ng autographed si Jordan.


“Jordan very rarely gives autographs and to have his signature on a pair of sneakers these days can cost about $15,000 (about P767,000), what more this painting? It is an art piece,” pahayag ni Cheng.   


Source: Esquire

No comments:

Post a Comment