CHECK THIS OUT:

Search

Bride, nakatanggap ng parcel maging sa araw ng kaniyang kasal



Viral ngayon sa social media ang video na kung saan makikita ang isang bride mula sa Surigao del Norte na nakatanggap ng parcel kahit sa mismong araw at venue ng kaniyang kasal.


Ayon sa uploader na si Jhon Jhon Galinato, hindi inaasahan ng bride na si Ria Ann Basul na ide-deliver ang kaniyang in-order na parcel sa kaniyang wedding day.


“Hindi inaasahan nung bride na darating ’yung order niya kaya nabigla siya nung pumasok ’yung rider at matawa nalang sa pangyayari,” pahayag ni Galinato sa kaniyang panayam sa The Philippine Star.


Natuwa rin naman ang netizens sa delivery rider dahil napagalaman na hindi na pala nito pinabayad ang parcel bilang wedding gift sa bride.


“Pagkatapos niyang mabigay ’yung parcel ay sinabihan niya ’yung couple na ’wag na bayaran ’yung parcel, [cash on delivery] COD kasi ’yun regalo nalang daw niya ’yun sa couple,” saad ni Galinato.


Panoorin ang nakatutuwang video:


No comments:

Post a Comment