Sa paglaganap ng mga sakit sa populasyon ng mga baboy at dulot na rin ng kakulangan ng suplay sa karne ng mga ito dahil sa pandemya, mariing isinusulong ngayon ang pagkonsumo ng karne ng kuneho sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), mainam na alternatibo ang karne ng kuneho dahil bukod sa ito ay mababa sa calorie, ito rin ay sagana sa macronutrient gaya ng protein at iba pang mga bitamina tulad ng B12 at Omega-3.
Sa katunayan, noon pang 2017 nang aprubahan ng gobyerno, sa pamamagitan ng D.A., ang pagkain ng rabbit meat dahil sa pagkalat ng African swine fever sa hog industry sa bansa.
Noong nakaraang taon ay nagpakalat pa nga ang D.A. ng rabbit dispersal package upang suportahan at palaganapin ang pagkonsumo at pagbebenta ng karne ng kuneho.
Ang naipamahaging rabbit dispersal package ay naglalaman ng two-month-old upgraded breed rabbit, kulungan para sa kuneho, automatic drinker, dalawang kilo ng pellets, nest box, at manual sa pag-aalaga ng rabbit.
Epektibo naman ang pag-eendorso ng DA sa rabbit meat dahil parami na ng parami ang mga rabbit farm ngayon sa bansa.
Gamit ang karne ng kuneho, maaari itong lutuin gaya ng lechon, adobo, sisig at marami pang ibang putahe.
Ang balahibo at paa ng mga kuneho ay ginagawa ring garments o 'di kaya naman ay keychain.
No comments:
Post a Comment