CHECK THIS OUT:

Search

Sakit ni Kris Aquino 'rare' at napakahirap gamutin; survival rate nasa 25% lang


"Rare and hard to treat."


Ganito inilarawan ng doktor ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kaniyang kondisyon matapos makumpirma ang kaniyang sakit na kung tawagin ay Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis o EGPA.


Sa isang instagram post ni Kris, sinabi ng kaniyang "exceptional Filipino-American doctor based in Houston" na si Dr. Niño Gavino, ang EGPA o dating kilala bilang Churg-Strauss Syndrome ang nagdudulot ng asthma, weight loss, gastrointestinal intolerances, at fluctuating blood pressure sa aktres.


Aniya, sinubukan nilang gamutin si Kris gamit ang steroid ngunit hindi maganda ang naging reaksyon ng katawan nito sa ilang gamot.


Kaya naman, kakailanganin ngayon bumiyahe ni Kris sa abroad para sumailalim sa Nucala (Mepolizumab), isang non-steroid EGPA treatment na aprubado lamang sa Amerika, at Rituxan (Rituximab).


“The subsequent 9-12 months will be crucial for us to see if she can achieve remission and continue the regimen further,” paliwanag ni Dr. Gavino.


“Only one in every one million get this form of vasculitis per year. That is how rare and hard to treat Ms Aquino’s case is,” dagdag nito.


Saad pa ng dalubhasang doktor, kung hindi magagamot ang EGPA, nasa 25% lamang ang life expectancy ng isang taong mayroon nito. Ngunit kung sasailalim sa proper treatment, maaaring tumaas sa 62% ang 5-year survival rate 



No comments:

Post a Comment