CHECK THIS OUT:

Search

Ama tinupad ang pangarap ng pumanaw na anak na maka-attend sa graduation



Pangarap ng bawat magulang, higit lalo ng mga anak na makapagtapos ng kanilang pag-aaral at makapagmartsa sa kanilang graduation. Subalit, isang estudyante mula sa Koronadal City ang hindi na nakaabot sa nasabing seremonya matapos pumanaw nang dahil sa asthma.


Nakapagtapos ng Bachelor of Arts in English ang binatang si Mark. Ayon sa  kaniyang mga kaibigan, pangarap daw ng estudyante na makapagmartsa sa kanilang graduation kasama ang kaniyang ama.


Gayunpaman, kahit na sumakabilang buhay na, natupad pa rin ang mithiin ni Mark matapos umatend sa graduation ceremony ang kaniyang ama na si Tatay Felipe.


Bitbit ng butihing ama ang isang standee ni Mark na pinagawa ng kaniyang mga kaibigan. 


Pinayagan ng paaralan si Tatay Felipe na magmartsa kasama ang standee bilang simbolo ng pangarap at walang hanggang pagmamahalan ng mag-ama. 


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment