CHECK THIS OUT:

Search

Pinay sa US piniling maging truck driver kaysa nurse dahil sa laki ng sahod


Pagiging nurse ang unang pinangarap na trabaho ng Pilipinang si  Jonalyn Johns mula sa United States pero mas pinili niya munang maging isang truck driver dahil sa wais na rason.


Ayon kay Jonalyn na tubong Borongan, Eastern Samar, gusto niya talagang maging ganap na nurse at makapagtrabaho sa ospital. Ngunit nang makita niyang may iba pang trabaho na mas nakakakuha ng malaking sweldo ay isinantabi niya muna ang kaniyang pangarap at napunta sa truck driving.


“Yun po talaga yung gusto ko kasi ang ganda ng uniform ng nurse, puti. Ija-jump ko muna yung nursing before yung truck driving."


“Yun po talaga yung gusto ko kasi ang ganda ng uniform ng nurse, puti. Ija-jump ko muna yung nursing before yung truck driving.


Noong una ay hirap na hirap daw si Jonalyn  sa pagmamaneho ng malalaking truck ngunit kalaunan ay nasanay din siya at masayang-masaya na ngayon sa kaniyang ginagawa.


“Yung una mahirap siya kasi malaking truck, lalo na yung magba-backing.


“Nung nasanay na ako lalo na ngayon, kasi halos mag-four years na akong magta-truck driving, so ngayon parang ano lang siya, madali na lang."


Kadalasan ay mga construction material gaya ng malalaking kahoy, at bakal na tubo ang inihahatid ni Jonalyn. Bukod sa pagmamaneho, siya rin ang mano-manong nag-i-strap, nagkakadena, at nagkakapit ng double trailer.


Maliban sa magagandang tanawin, kasama ni Jonalyn sa kaniyang mga biyahe ang kaniyang asawang Amerikano kaya naman para sa kaniya ang truck driving ay para na rin niyang "paid vacation."


“Yung una mahirap siya kasi malaking truck, lalo na yung magba-backing.


“Nung nasanay na ako lalo na ngayon, kasi halos mag-four years na akong magta-truck driving, so ngayon parang ano lang siya, madali na lang."


“Sabi ko sa mga tao parang yung truck driving para sa akin para siyang paid vacation.”


“Yung downside, halimbawa, nasiraan ka, na-stuck ka sa isang lugar.”


Source: Pep.ph

No comments:

Post a Comment