CHECK THIS OUT:

Search

Ka Leody, hindi umano kilalaning lider ng bansa sina Bongbong Marcos at Sara Duterte


Hindi raw kikilalanin ng labor leader na si Leody de Guzman sina Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sara Duterte bilang presidente at bise presidente ng bansa kahit pa sila ang nagwagi sa nakaraang 2022 elections nitong Mayo.


Si De Guzman ang isa sa mga kandidato na nakalaban ni Marcos sa presidential race noong nakaraang eleksyon.


Ayon sa aktibista, magiging matinik na kritiko siya ng paparating na administrasyon at hindi raw umano siya aasa na magkakaroon ng magandang pagbabago sa bansa sa ilalim ng kanilang termino.


"Hindi ko kikilalanin bilang Pangulo at bilang Bise Pangulo si Bongbong Marcos at si Sara Duterte. Lalabanan ko ang pag-go-gobyerno niya, ang kanyang mga gagawing patakaran, at hindi ako kailanman magkakaroon ng ilusyon na magkakaroon ng pagbabago sa buhay ng masang Pilipino," ani De Guzman.


Giit pa niya, bigo ang Commission on Elections (Comelec) na siguraduhin ang malinis, tapat, at patas na eleksyon dahil nanaig pa rin ang dinastiya sa politika.


Kasama ang Partido Lakas ng Masa at ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, patuloy umanong isusulong ni De Guzman ang mga programang ipinangako niya sa masang Pilipino noong eleksyon.


“Patuloy kami sa pakikipaglaban. Itutuloy namin ang laban mula sa labanan sa halalan tungo sa labanan sa lansangan bitbit ang kahilingan ng masa ng sambayanan,” pahayag ni De Guzman.


Saka kaniyang mga rally noon, isa sa mga platapormang nababanggit ni De Guzman ay ang pagtaas ng national minimum wage sa P750 upang maiwasan ang kotraktwalisasyon sa bansa.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment