CHECK THIS OUT:

Search

OFW na nag-order ng balut online, nakatanggap ng sisiw


Nasurpresa ang isang overseas Filipino worker na si Gio Miranda mula sa Kuwait  matapos niyang makatanggap ng sisiw sa halip na balut noong Mayo 27.


Ayon kay Miranda na tatlong taon ng nasa Middle East, nag-crave siya ng balut kaya naman nagpabili siya nito sa kaniyang kasamahan na nagbakasyon sa Pilipinas.


"Nagpasuyo ako sa kanya, sabi ko yung fresh na balot. Hindi pa nilaga para hindi mag-iba yung lasa," kwento Miranda, isang salesman ng automotive company sa Kuwait.


Sumunod naman sa pakisuyo ni Miranda ang kaniyang kasama ngunit pagdating sa kaniya ng package na may laman sanang 15 balut, isang sisiw ang tumambad sa kaniya.


Sa video na kaniyang inupload online, makikita pa ngang nakalabas ang ulo ng sisiw na bibe sa kahon.


Hindi naman inaasahan ni Miranda na magvi-viral ang naturang video na milyon-milyon na ang views ngayon.


Mahigit isang linggo na ngayong inaalagaan ni Miranda ang sisiw na ginawan niya pa ng Youtube channel para masubaybayan ng madla ang mga ganap sa buhay nito.


Spurce: ABS-CBN News


No comments:

Post a Comment