CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki hindi na nagising matapos matulog ng lasing


Hindi na muling gumising pa ang isang construction worker matapos nitong matulog nang lasing sa Carmona, Cavite.


Ayon kay PSSgt Charles Virtudez ng Carmona Police Station, natagpuan ang bangkay ng lalaki noong umaga ng Mayo 3. 


Base sa imbestigasyon, Mayo 2 ng gabi nang makipag-inuman ang construction worker sa kaniyang mga katrabaho sa barracks sa Lot 1, South Horizon Park, Cabilang Baybay.


Pagkatapos ng kanilang inuman ay nagkaniya-kaniyang tulog na ang mga ito. Kinaumagahan, nang magising ang ilan sa mga construction worker namataan na lamang nila ang malamig na bangkay ng lalaki.


Saad ni Virtudez, tumanggi ang pamilya ng lalaki na isailalim sa autopsy ang mga labi nito dahil naniniwala sila na wala naman umanong foul play o krimen na naganap.


Source: Cavite Connect

No comments:

Post a Comment