Labis na lungkot ang nadama ng nursing graduate na si John Marcelino Rosaldo at ng kaniyang pamilya matapos siyang hindi payagan na umakyat sa stage upang kunin ang kaniyang diploma noong Huwebes, June 23.
Si John ay graduate mula sa Lorma Colleges La Union. Mabilis na nag-viral ang kaniyang kwento matapos i-upload ng kaniyang kapatid na si Celene ang isang video sa TikTok kung saan makikitang walang hawak na diploma si John.
“Yung graduate ka pero di ka pinaakyat ng stage para kunin diploma mo kasi di naconfirm payment mo sa grad fee,” caption ni Celene.
Ayon sa magpapamilya, nakapagbayad naman si John ng graduation fee isang araw bago ang graduation kaya naman labis silang nagulat nang hindi ito payagang umakyat sa entablado. Dahil dito, hindi napigilan ng ina ni John na maiyak lalo pa at ilang taon nilang hinintay na makapagtapos ang anak.
“My brother just graduated but my mom cried coz the school did not allow him to get his diploma up the stage,” saad ni Celene.
“He has already paid his grad fee the day before his grad but the school didn’t confirm his payment. That’s the f*cked up part,” dagdag pa niya.
Base sa pangyayari, miscommunication sa pagitan ng school admins at ang last minute payment ni John ang marahil naging sanhi kung bakit hindi siya nakaakyat sa stage.
Hati naman ang reaksyon ng netizen tungkol dito. May iba na nakisimpatya kay John at sa kaniyang pamilya. Mayroon din namang pumanig sa naturang paaralan.
“This is the difference between ang institution that focuses on learning and knowlege and the institution that solely built to earn money,” komento ng isang netizen.
“Bakit hindi naasikaso agad ang graduation fees? Hindi ba ganoon naman talaga, may prosesong tinatapos bago ka maka-graduate at ma-release ng school ang kailangan mo? Paano na ba ngayon?” sey naman ng isang netizen.
No comments:
Post a Comment