CHECK THIS OUT:

Search

Lolo na dating Pisay teacher, matyagang tinuturuan ang mga bata sa kalsada



Hanga ngayon ang mga netizens sa isang lolo mula sa Sta. Ana, Manila dahil sa kaniyang matinding determinasyon sa pagtuturo ng mga bata kahit na hindi naman niya kaano-ano ang mga ito.


Si Lolo Delfin Angeles ay isang retired teacher ng Philippine Science High School kung saan 37 years siyang nagturo.


Taong 1975 pa lamang ay guro na si Lolo Delfin kaya naman sa kabuuan mahigit 40 years na nanatili sa serbisyo.


Pero kahit na retirado na si Lolo Delfin, patuloy niyang isinasabuhay ang kaniyang propesyon sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga bata sa kanilang lugar.


Tuwing dinidiligan daw niya ang kaniyang mga halaman ay may mga abtang lumalapit sa kaniya at hindi niya mapigilang maitago ang kaniyang pagiging guro.


"As I water and tend my plants by the street sides, children came around asking me, llolo, anong plant iyan," sabi ni Lola Delfin sa kaniyang Facebook post noong June 2.


“I got to know them and at random I ask them, 6x7 or 8+7 or to say something in English.”


Isang araw ay nagulat na lamang din daw si Lolo Delfin nang humiling ang mga bata na magkaroon ng learning session sa kaniya.


“One day, they said, ‘Lolo, turuan mo kami.’”


Kalsada ang nagsisilbing classroom ni Lolo Delfin at ng kaniyang mga estudyante. Tinawag naman niyang Eskwelahang Munti ang kaniyang sariling paaralan para sa mga batang nais matuto.


“Now we have face-to-face class. I prepare math, english, science lessons,” kwento ng butihing guro.


“I asked friends for old pencils, ball pens, crayons. I cut cardboard boxes to A4 size, from the grocery, to make clipboards for writing.


“Since then, they have ceased calling me lolo. Now, it is, 'teacher!'


"No, I won’t teach falling bodies, though I did teach them balancing equations!! (When it rains, classes are suspended, all levels.)”


Maraming netizens naman ang natuwa sa kagandahang loob ni Lolo Delfin. Marami rin sa kaniyang mga naging estudyante sa mga paaralang kaniyang pinagtrabahuhan ang naka-miss sa kaniyang husay sa pagtuturo.

Source: PEP.ph

No comments:

Post a Comment